Mag-isa, tulala
Walang ibang ginagawa kundi isipin ka
Iyong mukha, iyong ngiti
Larawan mo sa isip ko di pa nabubura
Ngunit malayo ka, pati ang puso mo
Di na aasa pang ako ay mahalin mo
Chorus 1:
Ang hapdi ng puso kong ito dahil sa pagtingin at pagsuyo ko sa’yo
Ngunit dapat tanggapin na hindi mo ako magagawang mahalin dahil may iniibig ka nang iba.
Pag-ibig ko sa’yo
Mahirap na itago at mahirap mawala
Ang saklap magmahal
Ng isang katulad mo na di naman ako mahal
Handa sanang ibigay pati ang buhay ko
Huli na nga ang lahat, di pwedeng ipilit ‘to
Chorus 2:
Damdamin ko sa’yo sana ay mawala nang lubusan para di na masaktan
Darating ang panahon na ikaw ay malilimutan ko rin pero ngayon sugat sa puso ay titiisin ko
Bridge:
Mag-isa, mag-isa, mag-isa, mag-isa
Hindi mo, hindi mo, hindi mo ako mahal…
Luha ko, luha ko, luha ko, luha ko
Ang luha ko’y dahil sa iyo
Mahal na mahal kita
Chorus 1:
Ang hapdi ng puso kong ito dahil sa pagtingin at pagsuyo ko sa’yo
Ngunit dapat tanggapin na hindi mo ako magagawang mahalin dahil may iniibig ka nang iba.
Coda:
Iba… may iba... may iba...
May mahal kang iba