Friday, March 29, 2013

Simula ng Pag-ibig

Inaawit ko ang pag-ibig ko
Na nadarama sa iyo
Ito ang simula ng aking pagsinta
Sana ay pakinggan mo ako

Ang awiting ito’y inaalay ko
Para lang sa’yo giliw ko
Di mo ba pansing nais makapiling
Ang nag-iisang tulad mo

Chorus:
Iniibig kang tunay
Asahan na habang buhay ay tayong dalawa
Pangakong ‘di magwawakas
Ngayon at bawat bukas at magpakailanman
Sa awit na ito ay ipadarama
Ang aking tunay na pagmamahal
Dahil ito ang simula

Ang aking tinig, ang aking himig
Ay tanging sa’yo mahal ko
Di mo ba alam na ikaw lamang
Ang pangarap ng puso ko
(Repeat Chorus)

Bridge:
Ito ang simula ng pag-ibig ko
Ito ang simula ng bagong buhay ko
Sana ay tanggapin mo ako
Sana ay mahalin mo ako
(Repeat Chorus)

No comments:

Post a Comment