Monday, April 26, 2010

Pag-Asa

Bakit nga ba ganito ang buhay ng tao
Pagsubok ay karugtong
Kalungkutan at kabiguan, hirap at dusa
Lahat na’y dinanas ko

Marami ang may sabi
Na ang buhay ko’y wala ng pag-asa
Ngunit sa isip ko’y hindi ganito
Pagkat ngayon alam ko na, may pag-asa pa

Chorus I
Sa akin ay walang mawawala
Laging iisiping kaya ko na
Dahil sa isang pag-asa
Ang tiwalang ito ay ‘di ko na bibitawan
Muling sisikat ang araw
Sa mundo ko ay magliliwanag
Salamat sa pag-asa ng buhay
Ako ay magtatagumpay

Kung ikaw ay dumaraan sa madilim na daan
Huwag kang mangangamba
Magtiwala ka lang sa Poong Maykapal
Ikaw ay papatnubayan

Ako na ang nagsasabi
Na ang buhay mo’y puno ng pag-asa
Huwag kang tumigil at huwag kang susuko
Bumangon na’t manalig ka, lumaban ka

Chorus II
Sa iyo ay walang mawawala
Laging iisiping kaya mo na
Dahil sa isang pag-asa
Ang tiwalang ito ay ‘wag mo nang bibitawan
Muling sisikat ang araw
Sa mundo mo ay magliliwanag
Salamat sa pag-asa ng buhay
Ikaw ay magtatagumpay

Bridge
Sa bawat buhos ng ulan, Ako ay titindig
Sa bawat bagong umaga, Ikaw ay gigising
Mananatili ang pag-asa sa puso
Maririnig ng langit ang dalangin
At lahat tayo ay lilipad
Makakalipad, Sa Kanyang palad
May pag-asa na tayo’y magtagumpay

Chorus III
Sa atin ay walang mawawala
Laging iisiping kaya na natin
Dahil sa isang pag-asa
Ang tiwalang ito ay ‘wag na nating bitawan
Muling sisikat ang araw
Sa mundo nati’y magliliwanag
Salamat sa pag-asa ng buhay
Tayo ay magtatagumpay

Tayo ay magtatagumpay
Tayo ay magtatagumpay
Tayo ay magtatagumpay


Composed By: Still John Reyes

2 comments:

  1. This comment has been removed by the author.

    ReplyDelete
  2. This comment has been removed by the author.

    ReplyDelete