Friday, November 8, 2013

BIGO

Akala ko ako’y sa’yo
Akala ko ikaw ay akin
Akala ko minahal mo ako
Akala ko ikaw ang pag-ibig ko

Akala ko ang puso ko’y sa iyo
Akala ko iningatan mo
Ang damdaming para lamang sa’yo
Ang pag-ibig kong ito’y
Di pa nalilimot...oohhh...

Chorus 1:
Napawi ang mga luha sa aking mata
Napawi ang paghihirap ng puso ko
At kahit sandali ang ligayang ito
Hinding-hindi kita malilimutan
At kahit pa ika’y may iba na
Sana’y malaman mong minahal...
Minahal kita

Akala ko ay iba ka
Akala ko hindi lolokohin
Ang puso kong tapat sa iyo
Akala ko hindi ako mabibigo

Iniwan mo, pinagpalit sa iba
Akala ko’y magtatagal
Ang pag-ibig na inalay sa’yo
Kahit na nasasaktan
Hindi ka malimutan
(Repeat Chorus 1)

Bridge:
Magpakailanman di malilimutan
Ang katulad mo na pinagbuhusan ko ng panahon
Kahit na sinaktan mo ako

Chorus 2:
(Napawi ang mga luha sa aking mata
Napawi ang paghihirap ng puso ko)
Napawi ang mga luha sa aking mata
Napawi ang paghihirap ng puso ko
At kahit sandali ang ligayang ito
At kahit na hindi mo ako minahal
At kahit na nasasaktan
Sa puso ko’y nandito ka na
Magpakailanman

Coda:
At kahit na ako ay nasasaktan
Laging dala-dala ang kabiguan
Sa puso ko’y nandito ka na
Magpakailanman




No comments:

Post a Comment