Di ko masabi ang aking pag-ibig
Mahirap pala kapag tumibok ang puso
Ano ang gagawin? Di ko maisip
Hayaan na lang kaya itago ito
Dahil ‘pag nalaman mo kung ano ang totoo
Baka ikaw ay magbago
Chorus:
Hindi ko masabi nilalaman nitong puso
Iniibig kita, pilit itong tinatago
Tuwing ika’y nakikita ay masaya ako
Kapag kapiling ka ay langit na ang mundo ko
Hindi alam kung ako ay matatanggap mo pa
Kapag inamin ko pag-ibig na nadarama
Kaya pakinggan mo na lang itong awit sa’yo
Dahil nais kong sabihing mahal kita mahal
Di ko masabi ang aking damdamin
Buti’t may awit na para sa iyo
Pakinggan ang tinig, ang awit ng puso
Di na itatago ngunit kinakabahan ako
Dahil ‘pag nalaman mo kung ano ang totoo
Baka ikaw ay magbago
(Repeat Chorus 2x)
Last Chorus (Modulation):
Hindi ko masabi nilalaman nitong puso
Iniibig kita, ayoko nang itago ‘to
Tuwing ika’y nakikita ay masaya ako
Kapag kapiling ka ay langit na ang mundo ko
Hindi alam kung ako ay matatanggap mo pa
Kapag inamin ko pag-ibig na nadarama
Kaya pakinggan mo na lang itong awit sa’yo
Dahil nais kong sabihing mahal kita... ooohhh...
Mahal kita mahal
Mahal kita mahal...
No comments:
Post a Comment